Ligtas, protektado, madali at libreng tulong sa buwis.
Ipunin ang iyong mga pinaghirapang dolyar at humingi ng libreng tulong sa pag-file ng iyong mga buwis noong 2020.
Simula Ene. 20–Abr. 18, 2021, magiging available ang mga eksperto sa buwis na sertipikado ng Serbisyo ng Rentas Internas (Internal Revenue Service, IRS) para magbigay sa iyo ng ligtas, protektado at 100% online na tulong sa pag-file ng iyong mga buwis. Alam ng aming mga eksperto ang lahat ng bagong batas at available na credit, kabilang ang bagong pantulong na panukalang batas, para ma-maximize mo ang iyong return at mas marami ang maitabi mo sa iyong pera. Maaari din kaming tumulong sa pag-claim ng pera ng stimulus check.
Available para sa lahat ang libreng tulong sa buwis, kabilang ang mga may taglay ng Numero ng Pagkakakilanlan ng Indibidwal na Nagbabayad ng Buwis (Individual Taxpayer Identification Number, ITIN).
Para matulungan ka namin nang husto sa iyong mga buwis, narito ang ilang bagay na kailangan pati na rin ang ilang karagdagan at opsyonal, pero makakatulong, na dokumento na titipunin at ihahanda mo:
Ang Kakailanganin Mo
- Identification card na may larawan
- Selfie ng iyong sarili na hawak ang iyong identification card na may larawan, malapit sa iyong mukha
- Social Security Card o dokumento ng ITIN
- Anumang dokumento ng suweldo (W-2, 1099-R, atbp.)
Opsyonal na Iba pang Dokumentong Ihahanda
- Tax return noong nakaraang taon
- Health Insurance Marketplace Statement (1095-A)
- Child Care Statement
- Gambling Winnings Statement
- Tuition Statement
Madadaling Paraan para Mag-file ng mga Buwis nang Libre
Magpatulong sa isang indibidwal
Kumuha ng libreng serbisyo ng paghahanda sa buwis sa virtual na paraan. Makikipagtulungan sa iyo ang mga eksperto sa buwis na sertipikado ng IRS at pagkatapos ay ihahanda nila nang remote ang iyong tax return at ipa-file nila ito sa elektronikong paraan para sa iyo. Pinapadali ng ligtas at protektadong portal ang pag-upload ng iyong mga kaugnay na dokumento.
Ikaw mismo ang mag-file
Sa pamamagitan ng MyFreeTaxes.com, maaaring ikaw mismo ang mag-file ng iyong mga buwis nang libre. Kakailanganin ng serbisyong ito na gumawa ka ng account, punan at i-file mo ang iyong mga buwis nang mag-isa.
Tumawag para sa tulong
Maaari kang tumawag sa 2-1-1 para makakuha ng impormasyon at tulong sa maraming wika, kabilang ang tulong kung paano i-file ang iyong mga buwis nang libre.
Mga Karaniwang Tanong sa MyFreeTaxes.com
Ano ang Simple Return?
Kasama sa sinasaklaw na mga simple tax return ng MyFreeTaxes ang: W-2 Income, Limited Income interest, kita sa dividend, mga gastos sa edukasyon ng mag-aaral, kita sa kawalan ng trabaho, mga credit sa edukasyon ng mag-aaral, interes sa loan ng mag-aaral, paghahabol sa pamantayang deduction, Earned Income Tax Credits, Child Tax Credit, at Child at mga gastusin sa pangangalaga ng mga umaasa. Makikita ang buong listahan ng mga form dito: MyFreeTaxes.com/Support
Ano ang mga limitasyon sa mga serbisyo?
Maraming return na karaniwang sinasaklaw at libre sa aming mga personal na site para sa buwis, ay hindi lahat kasama sa libreng software, halimbawa, Kita sa Self-Employment (Self-Employment income o 1099-MISC), Interes sa Mortgage, Mga Buwis sa Real Estate, iba pang Nakadetalyeng Deduction, Mga Third-Party na Pagbabayad (Third-Party Payments o 1099-K), HSA, at marami pang iba. Kung mayroon kang ganitong mga tax form, kakailanganin mong bilhin ang upgrade para makapag-file sa sistemang ito. Gayunpaman, makakatanggap ka ng diskuwento kung gagamitin ang MyFreeTaxes.com. Makikita ang buong listahan ng mga kasama sa libreng software sa MyFreeTaxes.com/Support
Ano ang iba pang sanggunian na available para sa akin?
Maaari mong gamitin ang ilan pang opsyon:
- Libreng Virtual na Paghahanda ng Buwis kasama ng aming mga Eksperto sa Buwis: Ihanda sa virtual na paraan ang iyong mga buwis sa tulong ng aming team ng eksperto para sa Libreng Paghahanda ng Buwis. Mag-scroll pababa sa page na ito para makita ang karagdagang impormasyon sa org na opsyon.
- Online na pag-file: makakakita ka ng karagdagang libreng tool sa pag-file sa pamamagitan ng mga programa sa Libreng Pag-file (Free File) ng Internal Revenue Service (IRS). Bumisita sa gov/FreeFile para sa karagdagang impormasyon at detalye.
Ano ang kailangan ko para makapag-file sa MyFreeTaxes.com?
Kakailanganin mo ng:
- Email address para makagawa ng account
- Ang iyong eksaktong Adjusted Gross Income (AGI) mula sa linya 7 sa Form 1040 ng iyong 2019 tax return (para maberipika ang pagkakakilanlan)
- Social Security number (SSN) para sa lahat ng nasa return
- Lahat ng dokumento sa buwis
- Bank account at routing number (para sa direktang deposit/debit)
Hindi ko alam ang 2019 AGI ko. Ano ang dapat kong gawin?
Makikita mo ito sa linya 7 ng iyong 2019 return kung mayroon ka pang kopya ng iyong return. Kung nag-file ka ng iyong buwis sa isang lokasyon ng Libreng Paghahanda ng Bueis ng United Way of King County noong isang taon, mag-email sa freetax@uwkc.org at ilakip ang iyong numero ng telepono para mabigyan ka namin ng kopya ng return noong isang taon. Kung hindi ka nag-file sa amin noong isang taon, matutulungan ka ngIRS.gov/get-transcript na makakuha ng kopya ng tax return noong isang taon.
May makakatulong ba sa akin sa telepono habang kinukumpleto ko ang aking return, sa bawat hakbang?
Kung kailangan mo ng suporta o tulong, maaari mong makumpleto ang iyong tax return sa virtual na paraan sa tulong ng aming lokal na team ng eksperto para sa Libreng Tax Preparation sa pamamagitan ng aming sistema na nakabatay sa appointment, mag-scroll pababa ng page na ito para makita ang karagdagang impormasyon sa GetYourRefund.org na opsyon.
Maaari bang ilagay ng isang indibidwal mula sa United Way of King County ang impormasyon ko sa MyFreeTaxes.com para sa akin?
Sa kasamaang palad, hindi maaaring ilagay ng United Way of King County ang iyong impormasyon at mga dokumento ng buwis sa MyFreeTaxes.com para sa iyo. Kung interesado kang gawin ang iyong mga buwis sa virtual na paraan sa tulong ng aming lokal na eksperto para sa libreng Tax Preparation sa pamamagitan ng aming sistemang nakabatay sa appointment, mag-scroll pababa ng page na ito para makita ang karagdagang impormasyon sa GetYourRefund.org na opsyon.
Karapat-dapat ba ako para sa IRS.gov/FreeFile?
Sinumang may kita na mas mababa sa $72,000 ay maaaring mag-file nang libre gamit ang IRS Free File program.
Mga Karaniwang Tanong sa GetYourRefund.org
Paano gumagana ang GetYourRefund.org?
Nagbibigay ang GetYourRefund.org ng madaling paraan para makumpleto mo ang iyong mga buwis sa virtual na paraan sa pamamagitan ng kaunting madadaling hakbang:
- Para sa libreng virtual tax preparation, mag-click sa “Mag-File gamit ang KuninangIyongRefund (File with GetYourRefund)”.
- Gumawa ng GetYourRefund profile, sagutin ang mga tanong sa intake at mag-upload ng mga larawan ng mga dokumento ng iyong buwis.
- Mag-iskedyul ng appointment.
- Sa panahon ng appoinment mo:
- Makakatanggap ka ng tawag sa telepono para sa intake mula sa isa sa aming mga eksperto sa buwis.
- Isa sa aming mga eksperto sa buwis ang kukumpleto ng iyong return.
- Makakatanggap ka ng pangalawang tawag sa telepono mula sa isa sa aming mga eksperto sa buwis para repasuhin at kumpletuhin ang iyong return.
- Pirmahan ang iyong nakumpletong return sa pamamagitan ng email.
Ano ang mga limitasyon sa serbisyo?
Ang United Way ay isang provider ng pantay na oportunidad at maaaring i-access ng sinuman sa Estado ng Washington ang mga serbisyo sa Libreng Tax Preparation ng United Way. Gayunman, masyadong komplikado ang ilang return para sa aming mga boluntaryo. Halimbawa, hindi namin maihahanda ang mga return para sa mga kita na mula sa ibang estado.
Nakipag-partner kami sa Express Credit Union para iproseso ang mga return ng Indibidwal na Numero ng Pagkakakilanlan ng Nagbabayad ng Buwis (Individual Taxpayer Identification Number, ITIN) at iaalok namin ang libreng mga aplikasyon at renewal ng ITIN sa pamamagitan ng Express Credit Union.
Heto ang mga serbisyong HINDI namin ibinibigay:
- Mga State return (Ang estado ng Washington ay walang anumang pang-estadong buwis sa kita, kaya hindi kailangan ang gayong return. Kung nagtatrabaho ka sa isang estadong nangangailangan ng state return, puwede mong gamitin ang com para i-file ito nang libre).
- Kung mayroon kang 1099-B (mga kinita mula sa brokerage, kung ikaw ay bumili/nagbenta ng stock)
- Kung binenta mo ang iyong bahay o na-foreclose ito.
- Kung tumatanggap ka ng kita mula sa pinauupahan.
- Kung self-employed ka at may gastusin na mahigit sa $25,000, nagkaroon ng net loss, o gustong mabawasan ang paggamit sa iyong tirahan bilang gastusin sa negosyo.
- Kung nasa rehistradong domestic partnership ka.
Ano ang kailangan mong i-file sa GetYourRefund.org?
Ang GetYourRefund.org ay available para sa mga mobile phone, tablet at desktop. Natuklasan namin na madaling nasasagutan at nakukumpleto ng karamihan sa mga tao ang mga tanong at intake. Kakailanganin mo ng:
- Email address para makagawa ng account
- ID card na may larawan (at para sa iba pang indibidwal na nasa return)
- Larawan ng sarili mo na hawak ang iyong ID card
- Social security o ITIN card (at para sa iba pang indibidwal na nasa return)
- Lahat ng dokumento sa buwis
- Bank account at routing number (opsyonal, para sa direktang deposit/debit)
Tandaan: Nagtutulungan ang IRS, GetYourRefund.org, United Way of King County at iba pang ka-partner sa bansa para gumawa ng makabuluhang update sa mga isinasagawa para sa seguridad at mga kinakailangan para sa virtual na paghahanda ng buwis.
Kung kailangan ko ng tulong sa GetYourRefund.org, paano ko ito mahihiling?
Mayroong chat feature sa page na ito kung saan may available na kawani ng customer support ng United Way of King County para sagutin ang mga tanong.
I-click ang chat icon sa webpage na ito at may isang indibidwal na makakatulong sa iyo.
Bukod diyan, may available na kawani ng customer support sa feature ng GetYourRefund.org website. Puwede ka ring mag-email sa Hello@GetYourRefund.org para sa karagdagang tulong.
Kumusta naman ang Mga Pagbabayad para sa Epekto sa Ekonomiya?
Sa ilalim ng Batas para sa Tulong, Suporta, at Seguridad sa Ekonomiya kaugnay ng Coronavirus (Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security, CARES), ang mga karapat-dapat na nagbabayad ng buwis na nag-file ng tax return para sa alinman sa 2019 o 2018 ay awtomatikong tatanggap ng economic impact payment na hanggang $1,200 para sa mga indibidwal o $2,400 para sa mga kasal na mag-asawa at hanggang $500 para sa bawat kuwalipikadong anak. Kakailanganin ng ilan sa mga nagbabayad ng buwis na karaniwang hindi nagpa-file ng return na magsumite ng simpleng tax return para makatanggap ng economic impact payment.
Ibinahagi ang karagdagang economic impact payment sa pasimula ng 2021 para sa $600 para sa mga indibidwal o $1,200 para sa mga kasal na mag-asawa at hanggang $600 para sa bawat kuwalipikadong anak. Kuwalipikado na ngayon ang mga sambahayang may magkahalong katayuan para sa parehong Economic Impact Payment.
Bumisita sa IRS.gov/EIP para sa pinakabagong mga update.
Kailangan mo bang i-update ang iyong impormasyon sa bangko o makita ang kalagayan ng iyong Economic Impact Payment? Pumunta sa IRS.gov/coronavirus/get-my-payment
Salamat sa mga sponsor namin: