English, Español, 中文, እንግሊዘኛ, 영어 , Русский, Somali, Tagalog, Українська, Tiếng Việt
Ang United Way of King County ay naghahandog ng libre at lingguhang paghahatid ng mga grocery sa pakikipagtulungan ng mga food bank sa King County, Safeway at DoorDash.
Pagkatapos mag-sign up, makakatanggap ka ng email ng kumpirmasyon mula sa amin sa loob ng dalawang araw ng negosyo. Para sa mga katanungan tungkol sa serbisyong ito, makipag-ugnayan sa amin sa 253.237.2019 o sa fooddelivery@uwkc.org.
Paano Ito Isinasagawa
1. Inihahanda ng malapit na food bank o grocery store ang isang kahon ng mga kailangang grocery o supot ng pagkaing naaangkop sa kultura.
2. Susunduin ng drayber ng DoorDash (Dasher) ang pagkain.
3. Ihahatid ito ng drayber ng DoorDash (Dasher) kada linggo sa iyong bahay nang walang pisikal na pakikisalamuha o no-contact delivery.
Libre ang serbisyong ito para sa sinumang nasa King County na walang kakayahang magbayad para sa mga grocery at hindi maka-access sa kanilang lokal na food bank.
Maaari kang makilahok sa programang ito ano man ang iyong katayuan ng pagkamamamayan o imigrasyon. Hindi nangongolekta ng impormasyon tungkol sa katayuan ng pagkamamamayan sa panahon ng pagpapatala.
Pakitandaan: sa ilang lugar sa King County, kasalukuyang puno ang kapasidad ng programang ito at maaaring umabot ng dalawa hanggang apat na linggo bago ka magsimulang makatanggap ng mga grocery.
Kung kailangan mo ng agarang tulong sa pagkuha ng pagkain, tumawag sa 2-1-1.
Pagkatapos mong mag-sign up, makakatanggap ka ng update kada dalawang linggo tungkol sa iyong katayuan sa listahan ng mga naghihintay. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa aming team anumang oras para sa mga katanungan o para kumpirmahin ang iyong katayuan sa listahan ng mga naghihintay sa pamamagitan ng pagtawag sa 253.237.2019 o pag-email sa fooddelivery@uwkc.org.
Mga Madalas Itanong (FAQ)
Sino ang kwalipikadong lumahok sa programang ito?
Para makilahok sa programang ito, ikaw ay dapat:
- Nakatira sa King County, Washington
- Walang paraan upang personal na magpunta sa iyong lokal na food bank
- Walang kakayahang magbayad para sa mga grocery
Ang sinumang tao o pamilyang magpapakitang natutugunan nila ang mga pamantayang ito ay kwalipikadong tumanggap ng serbisyong ito, anuman ang kanilang katayuan sa pagkamamamayan o imigrasyon. Hindi nangongolekta ng impormasyon tungkol sa katayuan ng pagkamamamayan sa panahon ng pagpapatala.
Paano isinasagawa ang programa? Makakakuha ba ako ng mga update tungkol sa aking delivery?
Bago ang unang delivery ng iyong grocery, may miyembro ng aming team na makikipag-ugnayan sa iyo para sa mga tagubilin sa delivery at para kumpirmahin ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Kukumpirmahin din namin ang araw at ang itinatayang oras kung kailan mo maaasahang maihahatid ang iyong mga grocery kada linggo.
Kada linggo, susunduin ng drayber ng delivery (Dasher) ang iyong mga grocery mula sa malapit na food bank o food partner. Iiwan niya ito sa labas ng iyong pintuan nang walang nangyayaring pisikal na pakikisalamuha. Kung magbibigay ka ng numero ng cell phone, makakatanggap ka ng mga update sa text kapag naitalaga ang iyong Dasher, kapag sinundo ang iyong grocery, at kapag naihatid na ang mga grocery sa iyong bahay.
Anong mga item sa grocery ang aking matatanggap?
Nagbibigay kami ng itinakdang iba’t ibang uri ng kahon ng pagkain mula sa mga lokal na food bank at grocery store. Maaaring kasama dito ang mga de-latang ulam, de-latang prutas at gulay, pasta at iba pang sari-saring bagay. Marami rin ang may kasamang mga pagkaing madaling masira gaya ng tinapay, gatas at mga inaning produkto.
Ano ang gagawin ko kung may mga pagkaing ipinagbabawal sa akin?
Kung mayroon kang mga pagkaing bawal kainin o mga allergy, pakisulat ang mga ito sa form sa pag-sign up. Makikipag-ugnayan sa iyo ang aming team para mangalap ng karagdagang impormasyon. Hindi man namin masisigurong masusunod ng aming programa ang bawat restriksiyon sa pagkain, sisikapin naming tugunan ang iyong mga pangangailangan.
Paano kung hindi dumating ang aking mga grocery?
Sinisikap naming matiyak na ang bawat delivery ay makakarating sa iyo nang ligtas at maayos, pati na rin ang iyong Dasher! Gayunpaman, minsan, may mga nangyayaring pagkakamali. Kung hindi mo natanggap ang normal mong delivery, tingnan muna kung mahahanap mo ito malapit sa iyo. Kung naninirahan ka sa apartment, tingnan ang iyong pasilyo, lobby, pasukan, o iba pang lugar na karaniwang ginagamit o dinadaanan. Kung nasa bahay, tingnan kung ito ay iniwan sa pinto, paradahan o mailbox.
Kung hindi mo pa rin mahanap ang iyong grocery pagkatapos nito, ipaalam kaagad sa amin. Tumawag agad sa 253.237.2019 o mag-email sa aming team sa fooddelivery@uwkc.org upang mabigyan kami ng pinakamainam na oportunidad para lutasin ang iyong isyu.
Ano ang gagawin ko kung may alalahanin ako tungkol sa aking Dasher?
Mangyaring makipag-ugnayan sa aming team sa 253.237.2019 o mag-email sa fooddelivery@uwkc.org sa lalong madaling panahon upang makatulong kaming matugunan ang iyong alalahanin.
Gusto kong ipatigil ang pagtanggap ng mga delivery. Paano ako aalis sa programa?
Tumawag sa aming team sa 253.237.2019 o mag-email sa fooddelivery@uwkc.org.
Hindi ako nakatira sa King County. May kapareho bang programa sa aking komunidad?
Kahit sa mga residente ng King County lamang available ang programang ito, ang mga food bank at programa sa pagkain ay patuloy na isinasagawa sa buong estado ng Washington. Para sa mga mapagkukunan ng pagkain sa iyong komunidad, tumawag sa 2-1-1.